Numbers 22:8
Sinabi ni Balaam sa kanila, “Mamalagi kayo rito ngayong gabi. Sasabihin ko sa inyo kung ano ang sasabihin sa akin ni Yahweh.” Kaya nanatili ang mga pinuno ng Moab kay Balaam sa gabing iyon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
9Nagpunta ang Diyos kay Balaam, at sinabi, “Sino ang mga lalaking ito na nagpunta sa iyo?”
Cross References
Numbers 12:6Sinabi ni Yahweh, “Ngayon makinig kayo sa aking mga salita. Kapag kasama ninyo ang aking propeta, inihahayag ko ang aking sarili sa kaniya sa mga pangitain at nagsasalita ako sa kaniya sa mga panaginip.
Numbers 22:19Kung gayon, pakiusap manatili rin kayo rito ngayong gabi, upang pag-isipan kong mabuti ang anumang sinasabi ni Yahweh sa akin.”
Numbers 23:3Pagkatapos, sinabi ni Balaam kay Balak, “Tumayo ka malapit sa handog na susunugin at pupunta ako. Marahil darating si Yahweh upang makipagkita sa akin. Anuman ang ipapakita niya sa akin sasabihin ko sa iyo.”Kaya umalis siya patungo sa isang burol na walang mga puno.
Numbers 24:13'Kahit na ibibigay ni Balak sa akin ang kaniyang palasyo na puno ng pilak at ginto, hindi ako susuway sa mga salita ni Yahweh at anumang bagay na masama o mabuti, o lahat ng bagay na gusto ko sanang gawin. Sasabihin ko lamang kung ano ang gusto ni Yahweh na sabihin ko.' Hindi ko ba nasabi ito sa kanila?
1 Kings 22:14Sumagot si Micaya, “Habang nabubuhay si Yahweh, ito ang sinasabi niya sa akin na aking sasabihin.”
Ezekiel 33:31Kaya pupunta ang aking mga tao sa iyo gaya ng madalas nilang ginagawa, at uupo sa iyong harapan at makikinig sa iyong mga salita, ngunit hindi nila ito susundin. Nasa kanilang mga bibig ang mga mabubuting salita ngunit sa kanilang mga puso, naghahangad sila ng hindi makatarungang pakinabang.