Numbers 14:35
Akong, si Yahweh, ang nagsalita. Tiyak na gagawin ko ito sa buong masamang sambayanang ito na nagtipun-tipon laban sa akin. Mauubos sila sa ilang na ito. Dito sila mamamatay.'”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 23:21Maging mapagmatyag ka sa kaniya at sundin mo siya. Huwag mo siyang galitin, dahil hindi ka niya patatawarin sa iyong mga pagsuway. Ang pangalan ko ay nasa kaniya.
Numbers 23:19Hindi isang tao ang Diyos, na kailangan niyang magsinungaling, o isang tao, na kailangang magbago ang kaniyang isip. Nangako ba siya ng anumang bagay na hindi ito ginagawa? Nagsabi ba siyang gagawin niya ang isang bagay na hindi niya ito tinutupad?
Joshua 5:6Naglakbay ang bayan ng Israel sa loob ng apatnapung taon sa ilang hanggang ang lahat ng tao, iyon ay, lahat ng kalalakihang mandirigma na nakalabas sa Ehipto ay namatay, dahil hindi nila sinunod ang tinig ni Yahweh. Ipinangako ni Yahweh sa kanila na hindi niya sila hahayaang makita ang lupaing ipinangako niya sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa amin, isang lupaing umaapaw ang gatas at pulot.
Ezekiel 20:36Katulad ng paghatol ko sa inyong mga ama sa ilang sa lupain ng Egipto, gayon ko rin kayo hahatulan! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
1 Corinthians 10:11Ngayon nangyari ang mga ito sa kanila upang maging halimbawa para sa atin. Ito ay mga alituntunin na naisulat-para sa atin sa mga huling panahon.