Numbers 29:11
Dapat kayong mag-alay ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan. Bukod pa ito sa handog para sa kasalanan ng pagbabayad kasalanan, ang karaniwang handog na susunugin, at ang mga handog na butil, at mga inuming handog.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
10at isa sa sampung bahagi ng isang epa para sa bawat isa sa pitong tupa.
Cross References
Leviticus 16:3Kaya ganito dapat pumunta si Aaron sa loob ng pinakabanal na lugar. Dapat siyang pumasok na may isang batang toro bilang isang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang isang handog na susunugin.
Leviticus 16:9Dapat iharap ni Aaron ang kambing kung saan nahulog ang palabunutan para kay Yahweh, at ihandog ang kambing bilang isang handog para sa kasalanan.
Numbers 29:6Ialay ninyo ang mga handog na ito sa ikapitong buwan bilang karagdagan sa lahat ng mga alay na inyong iaalay sa unang araw ng bawat buwan: ang natatanging alay na susunugin at ang handog na butil kasama nito. Dapat karagdagan ang mga ito sa karaniwang alay na susunugin, ang mga handog na butil nito, at ang mga inuming handog. Habang ginagawa ninyo ng mga handog na ito, susundin ninyo kung ano ang inatas sa inyo upang magbigay ng isang mabangong halimuyak, isang handog na ipinaraan sa apoy para kay Yahweh.
Daniel 9:24Pito na tig-pipitumpong taon ang iniatas para sa iyong mga tao at sa iyong banal na lungsod upang wakasan ang pagkakasala at wakasan ang kasalanan, upang pagbayaran ang kasamaan, upang dalhin ang walang hanggang katuwiran, upang tuparin ang pangitain at propesiya at upang gawing banal ang dakong kabanal-banalan.
Hebrews 9:25Hindi siya nagpunta doon upang madalas na ihandog ang kaniyang sarili, katulad ng ginagawa ng pinakapunong pari, na pumapasok sa kabanal-banalang lugar taun-taon na may dalang dugo.