Numbers 29:6
Ialay ninyo ang mga handog na ito sa ikapitong buwan bilang karagdagan sa lahat ng mga alay na inyong iaalay sa unang araw ng bawat buwan: ang natatanging alay na susunugin at ang handog na butil kasama nito. Dapat karagdagan ang mga ito sa karaniwang alay na susunugin, ang mga handog na butil nito, at ang mga inuming handog. Habang ginagawa ninyo ng mga handog na ito, susundin ninyo kung ano ang inatas sa inyo upang magbigay ng isang mabangong halimuyak, isang handog na ipinaraan sa apoy para kay Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 6:9“Utusan mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, at sabihin mo, 'Ito ang batas ng handog na susunugin: Dapat nasa ibabaw ng dapog ng altar ang handog na susunugin sa buong gabi hanggang umaga, at pananatilihing umaapoy ang apoy ng altar.
Numbers 9:14Kung nakikitira ang isang dayuhan sa inyo at ipinagdiriwang ang Paskua sa karangalan ni Yahweh, dapat niyang panatilihin ito at gawin lahat ng kaniyang iniuutos, sinusunod ang mga alituntunin ng Paskua at sinusunod ang mga batas para rito. Dapat kayong magkaroon ng parehong batas para sa dayuhan at para sa lahat ng ipinanganak sa lupain.”
Numbers 15:11Dapat mangyari ito sa ganitong paraan para sa bawat toro, para sa bawat lalaking tupa, at para sa bawat lalaking batang mga tupa o mga batang kambing.
Numbers 28:3Dapat mo ring sabihin sa kanila, 'Ito ang alay na ipinaraan sa apoy na dapat mong ihandog kay Yahweh—mga lalaking tupa na isang taong gulang na walang kapintasan, dalawa bawat araw, bilang isang karaniwang alay na susunugin.
Numbers 29:18Dapat gumawa kayo kasama ng mga iyon ng isang handog na butil at ang mga inuming handog para sa mga toro, para sa mga lalaking tupa, at para sa mga batang tupa, gagawa ng maraming handog gaya ng inutos.
Ezra 3:4Pinagdiriwang din nila ang Pista ng mga Tolda ayon sa nasusulat, at nag-alay sila ng mga handog na susunugin sa bawat araw alinsunod sa kautusan, ang gawain ng bawat isa sa bawat araw.