Numbers 29:17
Sa ikalawang araw ng pagpupulong, dapat maghandog kayo ng labindalawang batang toro, dalawang lalaking tupa, at labing apat na tupa na tig-iisang taong gulang bawat isa, na walang kapintasan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 29:13Dapat kayong maghandog ng isang handog na susunugin, isang alay na ipinaraan sa apoy para magbigay ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh. Dapat maghandog kayo ng labing tatlong batang toro, dalawang lalaking tupa, at labing-apat na lalaking tupa na tig-iisang taong gulang. Dapat walang kapintasan ang bawat isa.
Psalms 40:6Hindi kayo nagagalak sa pag-aalay o paghahandog pero binuksan mo ang aking tainga; hindi mo hiniling ang mga sinunog na alay o mga alay sa kasalanan.
Psalms 51:16Pero hindi ka nagagalak sa alay, kundi ito ay aking ibibigay; sa mga sinunog na handog hindi ka nasisiyahan.
Isaiah 1:11“Ano ang silbi ng marami ninyong mga alay sa akin?” sabi ni Yahweh. “Sawa na ako sa mga tupa, at taba ng mga hayop na sinunog niyo para ihandog; at sa dugo ng toro, tupa at kambing, hindi ako nalulugod.
Hosea 6:6Sapagkat hangad ko ang katapatan at hindi mga handog at ang aking kaalaman, ang Diyos ay higit pa sa mga susunuging handog.
Hebrews 8:13Sinasabing “bago,” ginawa niyang luma ang unang tipan. At kaniya ngang inihayag na ang pagiging luma ay handa ng maglaho.