Numbers 29:18
Dapat gumawa kayo kasama ng mga iyon ng isang handog na butil at ang mga inuming handog para sa mga toro, para sa mga lalaking tupa, at para sa mga batang tupa, gagawa ng maraming handog gaya ng inutos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 15:4dapat maghandog kay Yahweh ang isang taong nagdadala ng alay ng isang handog na butil ng ikasampu na epa ng pinong harinang hinaluan ng ikaapat na hin ng langis.
Numbers 28:14Dapat maging kalahati ng isang hin ng alak ang mga inuming handog ng mga tao para sa isang toro, ang ikatlo ng isang hin para sa isang lalaking tupa, at ikaapat ng isang hin para sa isang batang tupa. Ito ay magiging alay na susunugin para sa bawat buwan sa bawat buwan ng taon.
Numbers 29:6Ialay ninyo ang mga handog na ito sa ikapitong buwan bilang karagdagan sa lahat ng mga alay na inyong iaalay sa unang araw ng bawat buwan: ang natatanging alay na susunugin at ang handog na butil kasama nito. Dapat karagdagan ang mga ito sa karaniwang alay na susunugin, ang mga handog na butil nito, at ang mga inuming handog. Habang ginagawa ninyo ng mga handog na ito, susundin ninyo kung ano ang inatas sa inyo upang magbigay ng isang mabangong halimuyak, isang handog na ipinaraan sa apoy para kay Yahweh.