Numbers 31:3
Kaya nagsalita si Moises sa mga tao. Sinabi niya, “Bigyan ng sandata ang ilan sa inyong kalalakihan para sa digmaan upang lumaban sa Midian at ipatupad ang paghihiganti ni Yahweh rito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4Dapat magpadala ang bawat tribu sa buong Israel ng isang libong kawal sa digmaan.”
Cross References
Exodus 17:16Ginawa niya ito, dahil sinabi niya, “Pinangako ni Yahweh na makikipaglaban siya kay Amalek mula sa mga salinlahi hanggang sa mga susunod pang salinlahi.”
Numbers 25:11“Inalis ni Finehas na lalaking anak ni Eleazar na lalaking anak naman ni Aaron, na pari, ang aking galit sa mga tao ng Israel dahil mapusok siya sa aking adhikain sa kanila. Kaya hindi ko nilipol ang mga tao ng Israel sa aking matinding galit.
Judges 5:2“Kapag nanguna ang mga pinuno sa Israel, kapag masayang nagkusa sumama ang mga tao para sa digmaan— pinupuri namin si Yahweh!
2 Kings 9:7Dapat mong patayin ang pamilya ni Ahab na iyong panginoon, kaya ipaghihiganti ko ang dugo ng aking mga lingkod na mga propeta, at ang dugo ng lahat ng mga lingkod ni Yahweh, na pinatay sa pamamagitan ng kamay ni Jezabel.
Jeremiah 46:10Ang araw na iyon ang magiging araw ng paghihiganti para sa Panginoong Yahweh ng mga hukbo, at ipaghihiganti niya ang kaniyang sarili sa kaniyang mga kaaway. Lalamon at mabubusog ang espada. Iinumin nito ang kanilang dugo hanggang sa mapuno. Sapagkat magkakaroon ng alay sa Panginoong Yahweh ng mga hukbo sa hilagang lupain sa tabi ng Ilog Eufrates.