Numbers 32:13
Kaya nag-alab ang galit ni Yahweh laban sa Israel. Idinulot niyang magpaga-gala sila sa ilang sa loob ng apatnapung taon hanggang sa ang lahat ng salinlahing gumawa ng masama sa kaniyang paningin ay nalipol.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 14:33Magiging pagala-gala ang inyong mga anak sa ilang sa loob ng apatnapung taon. Dapat nilang dalhin ang bunga ng inyong paghihimagsik hanggang sa patayin ng ilang ang inyong mga katawan.
Numbers 26:64Ngunit sa mga ito walang taong nabilang sina Moises at Aaron na pari nang bilangin nila ang mga kaapu-apuhan ng Israel sa ilang ng Sinai.
Judges 2:14Nag-alab ang galit ni Yahweh sa Israel, at ibinigay sila sa mga sumalakay na nagnakaw ng kanilang mga ari-arian mula sa kanila. Sila ay kaniyang ipinagbili bilang mga aliping hawak ng lakas ng kanilang mga kaaway na nakapalibot pa sa kanila, para hindi na nila maipatanggol ang kanilang mga sarili laban sa kanilang mga kaaway.
Psalms 78:33Dahil dito, pinaikli ng Diyos ang kanilang mga araw; ang kanilang mga taon ay napuno ng takot.
Amos 2:9Kaya winasak ko ang mga Amoreo sa harap nila, na kasingtaas ng puno ng sedar; siya ay kasinglakas ng ensina. Ngunit winasak ko ang kaniyang bunga sa taas at kaniyang mga ugat sa ilalim.
1 Corinthians 10:5Ngunit hindi lubusang nalugod ang Diyos sa karamihan sa kanila, at ang kanilang mga bangkay ay nagkalat sa ilang.