Numbers 33:54
Dapat ninyong manahin ang lupain sa pamamagitan ng palabunutan, ayon sa bawat angkan. Dapat ninyong ibigay ang mas malaking bahagi ng lupa sa mas malaking angkan, at dapat ninyong ibigay ang mas maliit na bahagi ng lupa sa mas maliit na angkan. Saan man tumapat ang palabunutan sa bawat angkan, ang lupaing iyon ay mapapabilang dito. Mamanahin ninyo ang lupa ayon sa tribu ng inyong mga ninuno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 26:54Sa mas malaking mga angkan day apat mong bigyan ng mas malaking mana, at sa mas maliit na mga angkan dapat mong bigyan ng mas maliit na mana. Dapat mong bigyan ng isang mana ang bawat pamilya ayon sa bilang ng mga kalalakihan na nabilang.
Numbers 35:8Ang mga malalaking tribu ng mga tao ng Israel, ang mga tribu na may maraming lupain, ang dapat magbigay ng maraming lungsod. Ang mga tribu na mas maliit ay magbibigay ng kaunting lungsod. Bawat tribu ay dapat magbigay para sa mga Levita ayon sa bahaging natanggap nito.”
Joshua 16:1Umabot mula Jordan sa Jerico ang pagtatalaga ng lupain para sa lipi ni Jose, sa silangan ng mga bukal ng Jerico, sa ilang, paakyat mula sa Jerico patungo sa maburol na bansa ng Bethel.
Joshua 18:11Ang pagtatalaga ng lupa para sa lipi ni Benjamin ay ibinigay sa bawat mga angkan nila. Matatagpuan sa pagitan ng mga kaapu-apuhan ni Juda at sa mga kaapu-apuhan ni Jose ang nasasakupan ng kanilang nakatalagang lupa.