Numbers 33:53
Dapat ninyong angkinin ang lupain at manirahan doon, sapagkat ibinigay ko sa inyo ang lupain upang angkinin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 3:18Inutusan ko kayo nang panahong iyon, na nagsasabing, 'Si Yahweh na inyong Diyos ay ibinigay sa inyo ang lupaing ito para angkinin ito; kayo, lahat ng tao ng digmaan, ay dadaan sa ilalim ng armado sa harapan ng inyong mga kapatid, ang bayan ng Israel.
Deuteronomy 32:8Nang ibinigay ng Kataastaasan sa mga bansa ang kanilang pamana—nang hinati niya ang lahat ng sangkatauhan, at itinakda niya ang mga hangganan ng mga tao, itinakda rin niya ang bilang ng kanilang mga diyus-diyosan.
Joshua 21:43Kaya ibinigay ni Yahweh sa Israel ang lahat ng lupaing ipinangako niyang ibibigay sa kanilang mga ninuno. Inangkin ito ng mga Israelita at nanirahan doon.
Psalms 24:1Ang buong lupain ay kay Yahweh, ang daigdig at ang lahat ng naninirahan dito.
Jeremiah 27:5“Ako mismo ang gumawa ng lupa sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan at ng aking nakataas na braso. Ginawa ko rin ang mga tao at mga hayop sa lupa at ibibigay ko ito sa sinumang nararapat sa aking paningin.
Daniel 4:25Itataboy ka mula sa mga tao, at maninirahan ka kasama ng mga mababangis na hayop sa parang. Kakain ka ng damo tulad ng isang baka, at mababasa ka ng hamog mula sa kalangitan, at lilipas ang pitong taon hanggang kilalanin mong ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian ng mga tao at ibinibigay niya ang mga ito sa sinumang naisin niya.