Numbers 4:15
Kapag ganap na natakpan ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang banal na lugar at lahat ng mga kasangkapan nito, at kapag umabante ang kampo, dapat pumunta ang mga kaapu-apuhan ni Kohat upang dalhin ang banal na lugar. Kapag hinawakan nila ang mga sagradong kasangkapan, dapat silang mamatay. Ito ang gawain ng mga kaapu-apuhan ni Kohat, upang dalhin ang mga gamit sa tolda ng pagpupulong.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:12Dapat kang maglagay ng hangganan sa palibot ng bundok para sa mga tao. Sabihin sa kanila, ''Mag-ingat na hindi sila aakyat ng bundok o hahawakan ang hangganan. Siguradong mailalagay sa kamatayan ang sinumang hahawak sa bundok.'
Numbers 1:51Kapag ang tabernakulo ay ililipat na sa ibang lugar, dapat itong ibaba ng mga Levita. Kapag ang tabernakulo ay itatayo, dapat itong itayo ng mga Levita. At ang sinumang dayuhang lalapit sa tabernakulo ay dapat patayin.
Numbers 3:31Dapat nilang ingatan ang kaban, ang mesa, ang ilawan, ang mga altar, ang mga sagradong bagay na ginagamit sa kanilang paglilingkod, ang kurtina, at ang lahat ng gawain sa palibot nito.
Numbers 7:9Ngunit wala siyang ibinigay sa mga bagay na iyon sa mga kaapu-apuhan ni Kohat, dahil sa kanila ang mga gawaing nauukol sa mga bagay na nabibilang kay Yahweh na kanilang papasanin sa kanilang mga balikat.
Numbers 18:3Dapat silang maglingkod sa iyo at sa buong tolda. Gayunpaman, hindi sila dapat lumapit sa anumang bagay sa banal na lugar o may kaugnayan sa altar, o sila at ikaw rin ay mamamatay.
Joshua 4:10Tumayo ang mga paring nagbuhat ng kaban sa kalagitnaan ng Jordan hanggang ang lahat ng iniutos ni Yahweh kay Josue para sabihin sa bayan ay masunod, ayon sa lahat ng iniutos ni Moises kay Josue. Nagmadali tumawid ang mga tao.