Numbers 8:12
Dapat ipatong ng mga Levita ang kanilang mga kamay sa ulo ng mga toro. Dapat kang maghandog ng isang toro bilang alay para sa kasalanan at ang ibang toro bilang alay na susunugin sa akin, upang ibayad sa kasalanan ng mga Levita.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 29:10Dapat mong dalhin lahat ng toro sa harap ng tolda ng pagpupulong, at ipatong ang kamay ni Aaron at ang kamay ng kaniyang mga anak na lalaki sa ulo nito.
Leviticus 4:20Ganyan ang dapat niyang gawin sa toro. Gaya ng kaniyang ginawa sa torong handog para sa kasalanan, gayon din ang kaniyang gagawin sa torong ito, at gagawa ang pari ng pambayad ng kasalanan para sa mga tao, at papatawarin sila.
Leviticus 5:7Kung hindi niya kayang bumili ng isang tupa, kung gayon maaari niyang dalhin kay Yahweh bilang kaniyang handog na pambayad sa kasalanan ang dalawang kalapati o dalawang batang kalapati, isa para sa handog para sa kasalanan at ang isa para sa isang handog na susunugin.
Leviticus 8:14Dinala ni Moises ang torong handog para sa kasalanan, at si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki ay ipinatong ang kanilang mga kamay sa ulo ng toro na kanilang dinala para ihandog para sa kasalanan.
Leviticus 8:18Inalay ni Moises ang lalaking tupa para sa handog na susunugin, at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang kanilang mga kamay sa ulo ng lalaking tupa.
Leviticus 9:7Sinabi ni Moises kay Aaron, “Lumapit ka sa altar at ialay ang iyong handog para sa kasalanan at handog na susunugin, at gumawa ng kabayaran sa kasalanan para sa iyong sarili at para sa mga tao, at ihandog ang alay para sa mga tao bilang kabayaran ng kasalanan para sa kanila, tulad ng iniutos ni Yahweh.”