Mga Taga-Filipos 1:20
Naaayon ito sa aking matibay na inaasahan at kasiguraduhan na hindi ako mapapahiya. Sa halip, inaasahan kong maitataas si Cristo sa aking katawan, sa buhay man o sa kamatayan nang may buong tapang, na lagi naman at maging sa ngayon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
21Sapagkat para sa akin, ang mabuhay ay kay Cristo at ang mamatay ay kapakinabangan.
Read all of Mga Taga-Filipos 1
Cross References
Psalms 25:2Aking Diyos, ako ay nagtitiwala sa iyo. Huwag mo akong hayaang mapahiya; huwag mong hayaan na magalak ng may katagumpayan sa akin ang aking mga kaaway.
Psalms 119:80Maging malinis nawa ang aking puso na may paggalang sa mga alituntunin mo para hindi ako malagay sa kahihiyan. KAPH.
Proverbs 10:28Ang pag-asa ng mga gumagawa ng tama ay kanilang kagalakan, ngunit ang mga taon ng mga masama ay mapapaiksi.
Isaiah 45:17Pero ang Israel ay ililigtas ni Yahweh nang walang hanggang kaligtasan; kayo ay hindi na muli mapapahiya.
Isaiah 54:4Huwag kayong matakot dahil hindi kayo mapapahiya, ni panghinaan ng loob dahil hindi kayo dudulutan ng kahihiyan; makakalimutan ninyo ang kahihiyan ng inyong kabataan at ang kahihiyan ng inyong pagpapabaya.
John 21:19Ngayon sinabi ito ni Jesus upang ipakita kung anong uri ng kamatayan na maluluwalhati ni Pedro ang Diyos. Pagkatapos niyang sabihin ito, sinabi niya kay Pedro, “Sumunod ka sa akin.”