Isaias 54:4
Huwag kayong matakot dahil hindi kayo mapapahiya, ni panghinaan ng loob dahil hindi kayo dudulutan ng kahihiyan; makakalimutan ninyo ang kahihiyan ng inyong kabataan at ang kahihiyan ng inyong pagpapabaya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 11:16Makakalimutan mo ang iyong paghihirap; maaalala mo lamang ito gaya ng tubig na umagos palayo.
Isaiah 29:22Kaya nga ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa sambahayan ni Jacob — si Yahweh, na tumubos kay Abraham, “Hindi na mapapahiya si Jacob, ni mamumutla ang kanyang mukha.
Isaiah 41:14Huwag matakot, Jacob ikaw na uod, at kayong mga Israelita; tutulungan ko kayo” — ito ang pahayag ni Yahweh, ang iyong tagapagligtas, ang Banal ng Israel.
Isaiah 51:7Makinig kayo sa akin, kayong nakakaalam ng tama, kayong mga taong may batas ko sa inyong puso: Huwag ninyong katakutan ang mga insulto ng mga tao, maging ang mapanghinaan ng loob dahil sa kanilang abuso.
Isaiah 65:16Sinumang nasa lupa ang magpahayag ng isang pagpapala ay pagpapalain ko, ang Diyos ng katotohanan. Sinumang nasa lupa ang mangako ay nangangako sa akin, ang Diyos ng katotohanan, dahil malilimutan na ang nakaraang kaguluhan, dahil ang mga ito ay matatago na sa aking paningin.
Ezekiel 16:22Sa lahat ng iyong gawaing kasuklam-suklam at kahalayan, hindi mo inisip ang tungkol sa mga araw ng iyong kabataan, nang ikaw ay hubo't hubad na nagugumon sa iyong dugo.