Mga Taga-Filipos 4:12
Alam ko kung paano mangailangan at alam ko rin kung paano magkaroon ng kasaganaan. Sa lahat ng paraan at sa lahat ng bagay, natutunan ko ang lihim kung paano parehong kumain ng marami at magutom, paano parehong managana at mangailangan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
13Magagawa ko ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan niya na nagpapalakas sa akin.
Read all of Mga Taga-Filipos 4
Cross References
Nehemiah 9:20Binigay mo ang mabuti mong Espiritu para turuan sila, at ang iyong manna ay hindi mo ipinagkait sa kanilang mga bibig, at binigyan mo sila ng tubig para sa kanilang pagkauhaw.
Jeremiah 31:19Sapagkat matapos akong tumalikod sa iyo, ako ay nagsisisi; matapos akong maturuan, pinaghahampas ko ang aking hita dahil sa kalungkutan. Ako ay nahihiya at napahiya sapagkat dala-dala ko ang pag-uusig sa aking kabataan.
Matthew 13:52At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kaya bawat eskriba na naging alagad ng kaharian ng langit ay katulad ng isang tao na nagmamay-ari ng isang bahay, na naglalabas ng luma at mga bagong bagay mula sa kaniyang kayamanan.”
2 Corinthians 6:4Sa halip, pinatutunayan namin ang aming mga sarili sa pamamagitan ng aming mga ginagawa, na kami ay mga lingkod ng Diyos. Kami ay mga lingkod niya sa maraming pagtitiis, kapighatian, kagipitan, kahirapan
2 Corinthians 10:10Dahil sinasabi ng ibang tao, “Ang kaniyang mga sulat ay mahalaga at makapangyarihan, ngunit ang kaniyang katawan ay mahina. Ang kaniyang mga salita ay hindi karapat-dapat na pakinggan.”
2 Corinthians 11:9Noong ako ay na sa inyo at nangangailangan, hindi ako naging pabigat sa kahit na sino. Sapagkat ang aking mga pangangailangan ay tinugunan ng mga kapatid na galing sa Macedonia. Sa lahat ng bagay iniwasan ko na maging pabigat sa inyo at ipagpapatuloy kong gawin iyon.