Proverbs 11:12
Ang taong may paghamak sa kaniyang kaibigan ay walang ulirat, pero ang isang may pang-unawa ay tumatahimik.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
He that is void of wisdom despiseth his neighbour: but a man of understanding holdeth his peace.
In Context
Cross References
Judges 9:27Lumabas sila sa bukirin at nagtipon ng mga ubas mula sa mga ubasan, at tumapak sa mga ito. Nagdaos sila ng pagdiriwang sa bahay ng kanilang diyos, kung saan kumain sila at uminom, at isinumpa nila si Abimelec.
1 Samuel 10:27Subalit ilang walang kabuluhang lalaki ang nagsabi, “Paano tayo maililigtas ng lalaking ito?” Inalipusta ng mga taong ito si Saul at hindi siya dinalhan ng anumang regalo. Subalit nanahimik lang si Saul.
Nehemiah 4:2Sa harapan ng kaniyang mga kapatid at ng hukbo ng Samaria, sinabi niya, “Ano ang ginagawa ng mga mahihinang Judiong ito? Nais ba nilang maibalik sa dating kalagayan ang lungsod para sa kanila? Sila ba ay maghahandog ng mga alay? Matatapos ba nila ang trabaho sa isang araw? Nais ba nilang buhayin ang mga bato mula sa mga tumpok ng durog na bato pagkatapos itong masunog?
Proverbs 10:19Kung maraming salita, pagkakasala ay hindi nagkukulang, ngunit ang siyang nag-iingat sa kaniyang sasabihin ay isang matalino
Luke 16:14Ngayon ang mga Pariseo, na mangingibig ng pera, ay narinig ang lahat ng mga ito, at siya ay kanilang kinutya.
John 7:48Mayroon ba sa mga namumuno o kahit sino sa mga Pariseo ang sumampalataya sa kaniya?