Proverbs 11:24
May isa na siyang naghahasik ng binhi—siya ay makaiipon nang higit pa; ang isa pa ay hindi naghahasik—siya ay darating sa kahirapan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 15:10Dapat ninyong tiyaking magbigay sa kaniya, at hindi dapat magdamdam ang inyong puso kapag magbibigay sa kaniya, dahil ang kapalit nito ay pagpapalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng inyong mga gawain at sa lahat ng paglalagyan ng inyong kamay.
Psalms 112:9Bukas-palad siyang nagbibigay sa mga mahihirap; ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailanman; siya ay maitataas nang may karangalan.
Proverbs 19:17Ang sinumang mabait sa mahihirap ay nagpapahiram kay Yahweh, at babayaran siya ni Yahweh dahil sa kaniyang ginawa.
Ecclesiastes 11:1Magtapon ka ng tinapay sa katubigan, at makikita mo ulit ito pagkatapos ng ilang araw.
Haggai 1:6Naghasik kayo ng napakaraming binhi, ngunit kakaunti ang inyong aanihin; kumain kayo ngunit hindi nabubusog; uminom kayo ngunit nanatiling uhaw. Nagsuot kayo ng mga damit ngunit hindi kayo naiinitan, at ang mga manggagawa ay kumikita lamang ng pera para ilagay ito sa isang sisidlan na puno ng mga butas!'
Haggai 2:16sa tuwing pupunta ang sinuman sa kamalig para kumuha ng dalawampung sukat ng butil, sampu lamang ang mayroon, at sa tuwing pupunta ang sinuman sa pagawaan ng alak upang kumuha ng limampung sukat ng alak, dalawampu lamang ang mayroon.