Proverbs 11:9
Sinisira ng bibig ng mga walang Diyos ang kaniyang kapwa, ngunit sa pamamagitan ng kaalaman ang mga gumagawa ng tama ay pinanatiling ligtas.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 13:18Kaya sinabi ng matandang propeta sa kaniya, “Ako ay isa ring propetang tulad mo, at isang anghel ang nagsalita sa akin sa pamamagitan ng salita ni Yahweh, sinasabing, “Isama mo siya pabalik sa iyong bahay, para maaari siyang kumain at uminom ng tubig.” Pero siya ay nagsisinungaling sa lingkod ng Diyos.
1 Kings 22:20Sinabi ni Yahweh, 'Sino ang mag-uudyok kay Ahab, para siya ay maaaring lumusob at matalo sa Ramot-Galaad?' at may isang sumagot sa ganitong paraan, at sumagot ang isa pa sa ganoong paraan.
Job 34:30kaya hindi mamahala ang hindi maka-diyos, kaya walang ni isa ang mabibitag.
Psalms 55:20Itinataas ng aking kaibigan ang kaniyang mga kamay laban sa kaniyang mga kasundo; hindi na niya iginalang ang tipan na mayroon siya.
Proverbs 4:5Pagsumikapan na magkaroon ng karunungan at kaunawaan; huwag kalilimutan at huwag tatanggihan ang mga salita sa aking bibig;
Matthew 7:15Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta, na darating sa inyo na nakadamit na parang mga tupa ngunit ang katotohanan ay para silang mga gutom na gutom na mga lobo.