Proverbs 13:18
Magkakaroon ng kahirapan at kahihiyan ang hindi pumapansin sa disiplina, pero karangalan ang darating sa kaniya na natututo mula sa pagtutuwid.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Proverbs 5:9Sa ganoong paraan hindi ninyo ipamimigay ang inyong karangalan sa iba o ang mga taon ng inyong buhay sa isang malupit na tao;
Proverbs 12:1Sinumang umiibig sa disiplina ay iniibig ang kaalaman, pero sinumang namumuhi sa pagtatama ay mangmang.
Proverbs 15:5Hinahamak ng mangmang ang disiplina ng kaniyang ama, pero ang siyang natututo mula sa pagtatama ay marunong.
Proverbs 19:6Maraming hihingi ng tulong mula sa mapagbigay na tao, at lahat ay kaibigan ng siyang nagbibigay ng mga regalo.
Jeremiah 3:25Humiga tayo sa kahihiyan. Takpan nawa tayo ng ating kahihiyan, sapagkat nagkasala tayo kay Yahweh na ating Diyos! Tayo mismo at ang ating mga ninuno, mula sa panahon ng ating kabataan hanggang sa kasalukuyan ay hindi nakinig sa tinig ni Yahweh na ating Diyos.
Hebrews 12:25Tiyakin ninyo na hindi ninyo tinanggihan ang nagsasalita. Sapagkat kung hindi sila nakatakas ng sila ay tumanggi sa isang nagbigay babala sa kanila dito sa lupa, tiyak na hindi tayo makakatakas, kung tatalikod tayo mula sa nagbabala mula sa langit.