Proverbs 15:5
Hinahamak ng mangmang ang disiplina ng kaniyang ama, pero ang siyang natututo mula sa pagtatama ay marunong.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
A fool despiseth his father’s instruction: but he that regardeth reproof is prudent.
In Context
4Ang dilang nagpapagaling ay puno ng buhay, pero ang mapanlinlang na dila ay sumisira ng kalooban.
Cross References
2 Samuel 15:1Pagkatapos nito naghanda si Absalom ng isang karo at mga kabayo para sa kaniyang sarili, kasama ang limampung tauhan para tumakbo sa kaniyang unahan.
1 Chronicles 28:9At ikaw naman Solomon na aking anak, sundin mo ang Diyos ng iyong ama, at paglingkuran mo siya ng buong puso at may isang espiritu na may pagkukusa. Gawin ito sapagkat sinisiyasat ni Yahweh ang lahat ng puso at nauunawaan ang bawat pag-uudyok ng kaisipan ng bawat isa. Kung hahanapin mo siya, matatagpuan mo siya, ngunit kung iiwan mo siya, itatakwil ka niya magpakilanman.
Psalms 141:5Hayaan mong saktan ako ng taong matuwid; ito ay isang kabutihan sa akin. Hayaan mo siyang itama ako; ito ay magiging gaya ng langis sa aking ulo; nawa hindi ito tanggihan ng aking ulo. Pero ang aking panalangin ay palaging laban sa mga gawa ng masasama.
Proverbs 1:23Bigyang pansin ang aking paninita; ibubuhos ko ang aking saloobin sa inyo, ipapaalam ko ang salita ko sa inyo.
Proverbs 10:1Ang mga kawikaan ni Solomon. Ang isang marunong na anak ay ikinagagalak ng kaniyang ama ngunit ang isang hangal na anak ay nagdadala ng pighati sa kaniyang ina.
Proverbs 13:18Magkakaroon ng kahirapan at kahihiyan ang hindi pumapansin sa disiplina, pero karangalan ang darating sa kaniya na natututo mula sa pagtutuwid.