Proverbs 17:14
Ang simula ng hindi pagkakasundo ay gaya ng isang taong nagpapakawala ng tubig sa lahat ng dako, kaya lumayo ka sa mga pagtatalo bago ito magsimula.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 13:8Kaya sinabi ni Abram kay Lot, “Huwag nating hayaan na magkaroon ng alitan sa pagitan nating dalawa at sa pagitan ng iyong mga pastol at ng aking mga pastol; kung tutuusin, tayo ay magkapamilya.
Judges 12:1Isang panawagan ang lumabas para sa kalalakihan ng Efraim; dumaan sila sa Zafon at sinabi kay Jefta, “Bakit ka dadaan para makipaglaban sa mga tao ng Ammon at hindi kami tinawag para sumama sa iyo? Susunugin namin ang iyong bahay kasama ka.”
2 Samuel 2:17Ang labanan ay masyadong marahas ng araw na iyon at si Abner at ang mga kalalakihan ng Israel ay natalo sa harapan ng mga lingkod ni David.
2 Chronicles 10:14Nakipag-usap siya sa kanila na sinunod ang payo ng mga kabataang lalaki at sinabi, “Gagawin kong mas mabigat ang inyong mga pasanin at dadagdagan ko pa ito. Pinarusahan kayo ng aking ama ng mga latigo, ngunit parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan.”
2 Chronicles 25:17Pagkatapos, sumangguni si Amazias na hari ng Juda sa mga tagapayo at nagpadala ng mga mensahero kay Joas na hari ng Israel na anak ni Joahaz na anak ni Jehu, nagsasabi, “Halika, magharapan tayo sa isang labanan.”
Proverbs 13:10Ang pagmamataas ay nagbubunga lamang ng pag-aaway-away, pero mayroong karunungan para sa mga nakikinig ng mabuting payo.