Proverbs 19:12
Ang poot ng hari ay parang batang leon na umaatungal, pero ang kaniyang kagandahang loob ay katulad ng hamog sa mga damuhan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
The king’s wrath is as the roaring of a lion; but his favour is as dew upon the grass.
In Context
Cross References
2 Samuel 23:4Siya ay magiging tulad ng liwanag sa umaga sa pagsikat ng araw, isang umaga na walang mga ulap, sa pag-usbong ng malambot na mga damo mula sa lupa sa pamamagitan nang maliwanag na sinag ng araw pagkatapos ng ulan.
Esther 7:8Pagkatapos bumalik ang hari mula sa hardin ng palasyo patungo sa silid kung saan isinilbi ang alak. Kababagsak lamang ni Haman sa upuang kinaroroonan ni Esther. Sinabi ng hari, “Pagsasamantalahan ba niya ang reyna sa aking harapan sa sarili ko pang pamamahay?” Pagkalabas mismo ng mga salitang ito mula sa bibig ng hari, tinakpan ng mga lingkod ang mukha ni Haman.
Psalms 133:3Tulad ito ng hamog sa Hermon, na bumababa sa bundok ng Sion. Dahil doon nag-utos si Yahweh ng pagpapala, buhay magpakailanman.
Proverbs 20:2Ang takot sa hari ay katulad ng takot sa batang leon na umaatungal; ang sinumang maging dahilan ng kaniyang galit ay itinatapon ang kaniyang buhay.
Ecclesiastes 8:4Ang salita ng hari ay maghahari, kaya sino ang magsasabi sa kaniya, “Ano ang iyong ginagawa?”
Daniel 3:19Pagkatapos, napuno ng poot si Nebucadnezar, nagbago ang kaniyang mukha laban kay Shadrac, Meshac at Abednego. Iniutos niya na painitin ang pugon ng pitong beses na mas mainit kaysa sa karaniwang init nito.