Proverbs 24:24
Sinuman ang nagsasabi sa may kasalanan, “Ikaw ay nasa tama,” ay susumpain ng mga tao at kapopootan ng mga bansa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Proverbs 11:26Sinusumpa ng mga tao ang taong ayaw magbenta ng butil, pero ang mabuting mga kaloob ay kumu-korona sa ulo ng nagbebenta nito.
Proverbs 28:27Ang nagbibigay sa mahirap ay hindi magkukulang, pero sinumang magsara ng kaniyang mga mata sa kanila ay tatanggap ng maraming mga sumpa.
Isaiah 5:20Kaawa-awa silang nagsasabing mabuti ang kasamaan, at masama ang kabutihan; silang nagsasabing liwanag ang kadiliman, at kadiliman ang liwanag; silang nagsasabing matamis ang mapait, at mapait ang matamis!
Isaiah 66:24Lalabas sila at makikita nila ang mga bangkay ng mga taong nagrebelde laban sa akin, dahil ang mga uod na kakain sa kanila ay hindi mamamatay, at ang apoy na lalamon sa kanila ay hindi maaapula; at ito ay magiging nakakadiri sa buong sangkatauhan.”
Jeremiah 8:10Ibibigay ko sa iba ang kanilang mga asawang babae at ang kanilang mga bukirin ay sa mga magmamay-ari ng mga iyon, sapagkat magmula sa pinakabata hanggang sa pinakadakila, napakasakim nilang lahat! Magmula sa propeta hanggang sa pari, lahat sila ay nagsasagawa ng panlilinlang.