Proverbs 28:27
Ang nagbibigay sa mahirap ay hindi magkukulang, pero sinumang magsara ng kaniyang mga mata sa kanila ay tatanggap ng maraming mga sumpa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
He that giveth unto the poor shall not lack: but he that hideth his eyes shall have many a curse.
In Context
Cross References
Deuteronomy 15:7Kung may isang taong mahirap sa inyo, isa sa inyong mga kapatid, saanman sa loob ng inyong mga tarangkahan sa lupain na ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, hindi dapat ninyo patigasin ang inyong mga puso ni isara ang inyong kamay mula sa inyong mahirap na kapatid;
Psalms 41:1Mapalad siya na may malasakit para sa mga mahihina; sa araw ng kaguluhan, Si Yahweh ang magliligtas sa kaniya.
Proverbs 11:24May isa na siyang naghahasik ng binhi—siya ay makaiipon nang higit pa; ang isa pa ay hindi naghahasik—siya ay darating sa kahirapan.
Proverbs 11:26Sinusumpa ng mga tao ang taong ayaw magbenta ng butil, pero ang mabuting mga kaloob ay kumu-korona sa ulo ng nagbebenta nito.
Proverbs 22:9Ang isang mapagbigay na mata ay pagpapalain, sapagkat siya ay nagbabahagi ng kaniyang tinapay sa mahihirap.
Isaiah 1:15Kaya sa tuwing itinataas ninyo ang mga kamay ninyo, tinatago ko ang mga mata ko sa inyo; kahit na nag-alay kayo ng maraming panalangin, hindi ako makikinig; puno ng dugo ang mga kamay ninyo.