The Bible Software
bible.softwareProverbsProverbs 28 › Proverbs 28:15

Proverbs 28:15

Katulad ng isang umaatungal na leon o isang lumulusob na oso ang isang masamang pinuno sa lahat ng mga dukha.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

As a roaring lion, and a ranging bear; so is a wicked ruler over the poor people.

In Context

14Masaya ang isa na laging namumuhay na may paggalang, ngunit ang sinumang nagmamatigas ng kaniyang puso ay babagsak sa kaguluhan.

16Ang pinuno na nagkukukulang ng pang-unawa ay isang mabagsik na nagpapahirap, pero ang isa na namumuhi sa di matapat ay mapapahaba ang kaniyang mga araw.

Read all of Proverbs 28

Cross References

Exodus 1:14Ginawa nilang masaklap ang kanilang buhay na may kasamang mabibigat na paglilingkod sa tisa at laryo, at sa lahat ng uri ng gawain sa mga bukid. Lahat na kailangan nilang gawain ay mahirap.

1 Samuel 22:17Sinabi ng hari sa bantay na nakatayo sa paligid niya, “Bumalik kayo at patayin ang mga pari ni Yahweh. Dahil na kay David din ang kanilang kamay at dahil alam nilang tumakas siya ngunit hindi ito sinabi sa akin.” Ngunit hindi mailabas ng mga lingkod ng hari ang kanilang kamay upang patayin ang mga pari ni Yahweh.

2 Kings 15:16Pagkatapos nilusob ni Menahem si Tipsa at lahat ng naroon, at ang mga hangganang palibot ng Tirza, dahil hindi nila ibinukas ang lungsod sa kaniya. Kaya nilusob niya ito, at nilaslas niya ang tiyan ng mga babaeng buntis sa nayon na iyon.

Esther 3:6May paghamak na inisip niya ang pagpatay lamang kay Mordecai, sapagkat sinabi ng mga lingkod ng hari kung sino ang lahi ni Mordecai. Gustong lipulin ni Haman lahat ng mga Judio, ang lahi ni Mordecai, na nasa buong kaharian ni Assuero.

Proverbs 19:12Ang poot ng hari ay parang batang leon na umaatungal, pero ang kaniyang kagandahang loob ay katulad ng hamog sa mga damuhan.

Isaiah 14:5Sinira na ni Yahweh ang tungkod ng masasama, ang setro ng mga namamahala,

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Proverbs 28:15

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Proverbs 28:14Proverbs 28Proverbs 28:16 →