Proverbs 30:4
Sino ang umakyat sa langit at bumaba? Sino ang nagtipon ng hangin sa ilalim ng kaniyang mga kamay? Sino ang nagtipon ng mga tubig sa balabal? Sino ang nagtatag ng lahat ng mga hangganan ng lupa? Ano ang kaniyang pangalan, at ano ang pangalan ng kaniyang anak? Tiyak na alam mo!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
3Hindi ko natutunan ang karunungan, ni mayroon akong kaalaman ng Tanging Banal.
5Bawat salita ng Diyos ay nasubok, siya ay isang panangga sa mga nagkukubli sa kaniya.
Cross References
Genesis 32:29Tinanong siya ni Jacob, “Pakiusap sabihin mo sa akin ang iyong pangalan.” Sinabi nito, “Bakit mo tinatanong ang aking pangalan?” Pagkatapos siya ay kanyang pinagpala.
Exodus 6:3Nagpakita ako kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob bilang Diyos na Makapangyarihan; pero sa pamamagitan ng aking pangalang Yahweh, ay hindi ako nahayag sa kanila.
Deuteronomy 28:58Kung hindi niyo susundin ang lahat ng mga salita ng batas na ito na nasusulat sa librong ito, ganun din na parangalan itong maluwalhati at nakatatakot na pangalan ni Yahweh na inyong Diyos,
Judges 13:18Sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, “Bakit mo tinatanong ang aking pangalan? Ito ay kahanga-hanga!”
Job 11:8Ang mga bagay ay kasing-taas ng langit; ano ang magagawa mo? Mas malalim pa ito kaysa sa sheol; ano ang malalaman mo?
Job 38:4Nasaan ka nang inilatag ko ang pundasyon ng mundo? Sabihin mo sa akin, kung mayroon kang labis na kaunawaan.