Mga Awit 103:13
Kung paanong may pagkahabag ang isang ama sa kanyang mga anak, gayundin pagkahabag ni Yahweh sa mga nagbibigay ng parangal sa kanya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Like as a father pitieth his children, so the LORD pitieth them that fear him.
In Context
14Dahil alam niya kung paano tayo binuo; alam niya na tayo ay alabok.
Cross References
Numbers 11:12Ako ba ang nagsilang sa kanila upang sabihin mo sa akin, 'Dalhin mo sila sa iyong kandungan tulad ng pagdadala ng isang ama sa isang sanggol?' Kailangan ko ba silang dalhin sa lupain na iyong ipinangako sa kanilang mga ninuno upang ibigay sa kanila?
Psalms 103:11Dahil kung gaano kataas ang kalangitan sa ibabaw ng daigdig, ganoon kadakila ang kanyang katapatan sa tipan sa mga nagbibigay ng parangal sa kanya.
Psalms 147:11Nasisiyahan si Yahweh sa mga nagpaparangal sa kaniya, sa mga umaasa sa katapatan niya sa tipan.
Isaiah 63:15Tumingin ka mula sa langit at magbigay pansin mula sa iyong banal at maluwalhating tahanan. Nasaan ang iyong kasigasigan at makapangyarihang mga gawa? Ipinagkait sa amin ang iyong awa at habag.
Jeremiah 31:20Hindi ba si Efraim ang mahal kong anak? Hindi ba siya ang minamahal at kinalulugdan kong anak? Sapagkat sa tuwing magsasalita ako laban sa kaniya, tinitiyak kong inaalala ko pa rin siya sa aking mapagmahal na isipan. Sa ganitong paraan nananabik ang puso ko sa kaniya. Tinitiyak kong kahahabagan ko siya. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
Malachi 3:17“Sila ay magiging akin,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo, “ang tangi kong kayamanan, sa araw na aking gawin; ililigtas ko sila gaya ng pagligtas ng isang tao sa kaniyang anak na naglilingkod sa kaniya.