Revelation 16:21
Malakas na pag-ulan ng yelo, na mayroong bigat na isang talento, bumagsak ito mula sa himpapawid patungo sa mga tao, at sinumpa nila ang Diyos dahil sa salot ng pag-ulan ng mga yelo dahil ang salot ay sobrang nakakatakot.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
20Naglaho ang bawat pulo at ang mga bundok ay hindi na natagpuan.
Cross References
Joshua 10:11Habang tumatakbo sila mula sa Israel, pababa sa burol ng Beth Horon, hinulog ni Yahweh sa kanila ang mga malalaking bato mula sa langit hanggang sa Azeka, at namatay sila. Mas marami ang namatay dahil sa mga bato kaysa sa mga napatay sa pamamagitan ng mga espada sa mga kalalakihan ng Israel.
Isaiah 8:21Sila ay maglalakbay sa lupain na naghihirap at nagugutom. Kapag sila ay nagutom, magagalit sila at susumpain nila ang kanilang hari at ang Diyos, habang sila ay nakatingala.
Ezekiel 13:11Sabihin mo sa mga nagpipinta ng kalburong pampinta sa pader, “Guguho ito, magkakaroon ng malakas na pagbuhos ng ulan at magpapadala ako ng mga ulan na may kasamang yelo upang pabagsakin ito at isang napakalakas na hangin upang masira ito.
Ezekiel 38:21Sapagkat ipatatawag ko ang isang espada laban sa kaniya sa lahat ng aking mga bundok—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—ang bawat espada ng isang tao ay laban sa kaniyang kapatid.
Revelation 11:19Pagkatapos bumukas ang templo ng Diyos sa langit at ang kaban ng kaniyang tipan ay nakita sa loob ng kaniyang templo. May mga kislap ng kidlat, mga dagundong at salpukan ng mga kulog, may lindol, at isang matinding pag-ulan ng yelo.
Revelation 16:11Nilapastangan nila ang Diyos ng langit dahil sa kanilang mga sakit at mga sugat, pero tumanggi pa rin silang magsisi sa kanilang mga ginawa.