Revelation 18:21
Isang makapangyarihang anghel ang kumuha ng isang bato tulad ng isang malaking gilingang bato at itinapon ito sa dagat, sinasabing, “Sa ganitong paraan ang dakilang lungsod ng Babilonia, ay itatapon pababa nang may karahasan at hindi na makikita kailanman.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Nehemiah 9:11At hinati mo ang dagat sa kanilang harapan, kaya dumaan sila sa tuyong lupa sa gitna ng dagat; at tinapon ang mga humabol sa kanila papunta sa mga kailaliman, gaya ng isang bato sa malalim na katubigan.
Psalms 37:36Pero nang ako ay dumaan muli, siya ay wala na roon. Hinanap ko siya, pero hindi na siya matagpuan.
Ezekiel 26:21Ipaparanas ko sa iyo ang mga kapahamakan, at ganap kang mawawala. Pagkatapos ikaw ay hahanapin, ngunit hindi ka na muli pang mahahanap - ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”'
Revelation 5:2Nakita ko ang isang makapangyarihang anghel na naghahayag ng may malakas ng tinig, “Sino ang karapat-dapat magbukas ng balumbon at sirain ang mga selyo nito?”
Revelation 12:8Pero ang dragon ay hindi gaanong malakas para manalo. Kaya wala ng natitirang lugar sa langit para sa kaniya at sa kaniyang mga anghel.
Revelation 18:10Tatayo sila sa malayo, takot sa kaniyang paghihirap, sinasabing, “Kaawa-awa, kaawa-awa sa dakilang lungsod, sa Babilonia, ang makapangyarihang lungsod! Dahil ang i sa loob ng isang oras ang iyong kaparusahan ay darating.