The Bible Software
bible.softwareRevelationRevelation 21 › Revelation 21:10

Revelation 21:10

Pagkatapos dinala niya ako sa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok at ipinakita niya sa akin ang banal na lungsod, ang Jerusalem, na bumababa mula sa langit mula sa Diyos.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And he carried me away in the spirit to a great and high mountain, and shewed me that great city, the holy Jerusalem, descending out of heaven from God,

In Context

9Lumapit sa akin ang isa sa pitong mga anghel, siyang may hawak ng pitong mangkok na puno ng pitong huling mga salot, at sinabi, “Halika rito. Ipakikita ko sa iyo ang babaeng ikakasal, ang asawa ng Kordero.”

11Mayroong kaluwalhatian ng Diyos ang Jerusalem, at ang kaningningan nito ay tulad ng isang pinakamamahaling hiyas, tulad ng isang batong kristal na malinaw na jaspe.

Read all of Revelation 21

Cross References

2 Kings 2:16Sinabi nila sa kaniya, “Tingnan mo, may limampung malalakas na lalaki mula sa iyong mga alipin. Hinihiling namin na ipadala mo sila para hanapin ang iyong panginoon, kung sakali na kinuha siya ng Espiritu ni Yahweh at hinagis sa ilang bundok o ilang lambak.” Sumagot si Eliseo, “Hindi, huwag ninyo silang ipadala.”

Ezekiel 8:3At inabot niya ang hugis ng isang kamay at dinala ako sa pamamagitan ng buhok ng aking ulo; itinaas ako ng Espiritu sa pagitan ng lupa at langit at sa mga pangitain mula sa Diyos, dinala niya ako sa Jerusalem, sa pasukan ng pinakaloob ng hilagang tarangkahan, kung saan nakatayo ang diyus-diyosang pumupukaw ng matinding paninibugho.

Ezekiel 11:24At itinaas ako ng Espiritu at dinala sa Caldea, sa mga binihag, sa pangitain mula sa Espiritu ng Diyos. At ang pangitaing aking nakita ay umakyat mula sa akin.

Ezekiel 48:15Ang natitirang lupain na limang-libong siko ang lawak at dalawampu't limang libong siko ang haba ay para sa karaniwang kagamitan ng lungsod, mga tahanan at ang pastulan. Ang lungsod ang nasa gitna nito.

2 Corinthians 12:2Ako ay may kilalang tao kay Cristo, labing apat na taon na ang nakararaan—kung sa katawan o hindi sa katawan, hindi ko alam, alam ng Diyos— na dinala sa ikatlong langit.

Revelation 4:2Agad akong nasa Espiritu, at nakita ko ang isang trono na inilagay sa langit, na may isang tao na nakaupo dito.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)聖書 (日本語)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)

Study Revelation 21:10

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeAlbert BarnesJohn WesleyJohn CalvinScofieldWilliam BurkittFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Revelation 21:9Revelation 21Revelation 21:11 →