Revelation 21:11
Mayroong kaluwalhatian ng Diyos ang Jerusalem, at ang kaningningan nito ay tulad ng isang pinakamamahaling hiyas, tulad ng isang batong kristal na malinaw na jaspe.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 4:5Pagkatapos, lilikha si Yahweh ng ulap at usok sa umaga at ningning ng nag-aalab na apoy sa gabi para sa buong kampo sa Bundok ng Sion at sa kaniyang lugar kung saan sila nagtitipon-tipon; isang silungan ng lahat ng kaluwahatian.
Isaiah 60:19Ang araw ay hindi mo na kailanman magiging liwanag sa maghapon, ni ang liwanag ng buwan ay magliliwanag sa inyo; pero si Yahweh ang inyong magiging walang hanggang liwanag, at ang inyong Diyos ang inyong kaluwalhatian.
Ezekiel 1:26Sa itaas ng pabilog na bubong sa ibabaw ng kanilang mga ulo ay may anyo ng isang tronong tulad ng safiro, at ang nasa trono ay ang wangis ng isang tulad ng tao.
Ezekiel 28:16Sa dami ng bilang ng iyong kalakal napuno ka ng karahasan, kaya ka nagkasala! Itinapon kitang narumihan mula sa bundok ng Diyos at sinira kita, ikaw, na bantay na kerubin, mula sa mga kumikinang na bato.
Ezekiel 48:35Ang lawak ng palibot ng lungsod ay labing-walong libong siko at mula sa araw na iyon, ang magiging pangalan ng lungsod ay “Naroon si Yahweh.”
Revelation 4:6Sa harapan din ng trono ay mayroon isang dagat, kasing linaw ng kristal. Lahat ng palibot ng trono ay may apat na buhay na mga nilalang, puno ng mga mata sa harapan at likod.