Revelation 21:2
Nakita ko ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumamababa mula sa langit mula sa Diyos, inihanda tulad ng isang babaeng ikakasal na pinaganda para sa kaniyang asawa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 45:9Ang mga anak na babae ng mga hari ay kabilang sa mga kagalang-galang na kababaihan; sa iyong kanang kamay nakatayo ang reyna na nadaramtan ng ginto ng Ophir.
Psalms 87:3Mga maluwalhating bagay ay sinabi sa iyo, lungsod ng Diyos. Selah
Isaiah 52:1Gumising ka, gumising ka, Sion; isuot mo ang iyong kalakasan, Isuot mo ang iyong magagandang kasuotan, Jerusalem, banal na lungsod; dahil hindi na muling makakapasok sa iyo ang mga hindi tuli o ang mga marurumi.
Isaiah 61:10Ako ay lubos na magagalak kay Yahweh; sa aking Diyos ako ay labis na magsasaya. Dahil ako ay binihisan niya ng mga kasuotan ng kaligtasan; binihisan niya ako ng may balabal ng katuwiran, tulad ng isang lalaking ikakasal na ginagayakan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng isang turban, at tulad ng isang babaeng ikakasal na nagpapaganda sa kaniyang sarili ng kaniyang mga hiyas.
Jeremiah 31:23Si Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel ang nagsabi nito, “Kapag ibinalik ko na ang aking mga tao sa kanilang lupain, sasabihin nila ito sa lupain ng Juda at sa kaniyang mga lungsod, 'Pagpalain ka nawa ni Yahweh, ikaw na matuwid na lugar kung saan siya nananahan, ikaw na banal na bundok.
2 Corinthians 11:2Sapagkat ako ay naninibugho sa inyo. Ako ay may maka-diyos na panibugho sa inyo sapagkat ipinangako ko kayo na mapangasawa ng isang lalaki. Ako ay nangako na ihaharap kayong dalisay na birhen kay Cristo.