Mga Taga-Roma 10:17
Kaya ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at pakikinig sa salita ni Cristo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
So then faith cometh by hearing, and hearing by the word of God.
In Context
Cross References
Jeremiah 23:28Ang propetang may panaginip, hayaang ibalita ang kaniyang panaginip. Ngunit sa isa na pinahayagan ko ng ilang bagay, ipahayag niya ng makatotohanan ang aking salita. Ano ang gagawin ng dayami sa kaniyang butil? —Ito ang pahayag ni Yahweh—
Luke 8:11Ngayon, ito ang ibig sabihin ng talinghaga. Ang butil ay ang salita ng Diyos.
Luke 11:28Ngunit sinabi niya, “Higit pa na pinagpala ang mga nakarinig ng salita ng Diyos at iningatan ito.”
John 1:37Narinig ng dalawang alagad na sinabi ni Juan ito, at sila ay sumunod kay Jesus.
Romans 10:14Kung gayon, paano sila tatawag sa kaniya na hindi nila sinasampalatayanan? At paano sila sasampalataya sa kaniya na hindi pa nila naririnig? At paano sila makakarinig kung walang tagapangaral?
2 Corinthians 2:17Dahil hindi kami tulad ng maraming tao na ipinagbibili ang salita ng Diyos para sa kita. Kundi, sa malinis na layunin, nagsasalita kami kay Cristo, dahil kami ay mga sinugo mula sa Diyos, sa paningin ng Diyos.