Romans 14:11
Sapagkat ito ay nasusulat, “Habang ako ay nabubuhay,” sabi ng Panginoon, “ang bawat tuhod ay luluhod sa akin, at ang bawat dila ay magbibigay ng papuri sa Diyos.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
12Kaya kung gayon, ang bawat isa sa atin ay magbibigay-sulit ng kaniyang sarili sa Diyos.
Cross References
Numbers 14:28Sabihin mo sa kanila, 'Dahil ako ay buhay,' sinabi ni Yahweh, 'ayon sa sinabi mo sa aking pandinig, gagawin ko ito sa inyo:
Isaiah 45:22Bumalik kayo sa akin at maligtas, lahat ng nasa sulok ng mundo; dahil ako ang Diyos, at walang ibang diyos.
Jeremiah 22:24Dahil buhay ako—ito ang pahayag ni Yahweh— kahit na ikaw, Jehoiakin na anak ni Jehoiakim, hari ng Juda, ay ang singsing na pantatak na nasa aking kanang kamay, sisirain kita.
Zephaniah 2:9Kaya, ako ay nabubuhay, ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, “Magiging katulad ng Moab ang Sodoma at tulad ng mga Ammonita ang Gomorra, isang madamong lugar at hukay na asin, na pinabayaan magpakailanman! Ngunit nanakawan sila ng mga nalalabi kong tao at mamanahin ng aking mga natitirang tao ang mga nagmula sa kanila!”
Romans 10:9Sapagkat kung sa iyong bibig, kinikilala mo si Jesus bilang Panginoon, at nananampalataya ka sa iyong puso na binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay, maliligtas ka.
Philippians 2:10Ginawa niya ito upang ang lahat ay luluhod sa pangalan ni Jesus, ang mga nasa langit at sa lupa, at ang mga nasa ilalim ng lupa.