Romans 2:27
At hindi ka ba hahatulan ng taong likas na hindi tuli kung tutuparin niya ang kautusan? Sapagkat nasa iyo ang mga kasulatang nasusulat at ang pagtutuli subalit tagalabag kayo ng kautusan!
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Matthew 3:15Tumugon si Jesus at sinabi sa kaniya, “Pahintulutan mo ito ngayon sapagkat ito ang nararapat upang matupad natin ang lahat ng katuwiran.” Kaya pinahintulutan siya ni Juan.
Matthew 12:41Ang mga tao sa Nineve ay tatayo sa paghuhukom kasama ng salinlahing ito at parurusahan ito. Sapagkat sila ay nagsisi sa pangangaral ni Jonas, at tingnan ninyo, ang narito ay mas dakila kay Jonas.
Romans 2:20tagapagturo ng mga mangmang, guro ng mga sanggol, at sa kautusan ay mayroon kang anyo ng kaalaman at ng katotohanan.
Romans 7:6Ngunit ngayon, pinakawalan na tayo mula sa kautusan. Namatay tayo sa kung ano ang dating humahawak sa atin. Ito ay upang makapaglingkod tayo sa panibagong Espiritu at hindi sa kalumaan ng sulat.
Romans 13:10Ang pag-ibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapwa. Kaya, pag-ibig ang katuparan ng kautusan.
Galatians 5:14Sapagkat ang buong kautusan ay natupad sa isang utos; na “Dapat mong mahalin ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”