Romans 7:6
Ngunit ngayon, pinakawalan na tayo mula sa kautusan. Namatay tayo sa kung ano ang dating humahawak sa atin. Ito ay upang makapaglingkod tayo sa panibagong Espiritu at hindi sa kalumaan ng sulat.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ezekiel 36:26Bibigyan ko kayo ng isang bagong puso at isang bagong espiritu sa mga kaloob-loobang bahagi ninyo, at aalisin ko ang pusong bato mula sa inyong laman. Sapagkat bibigyan ko kayo ng isang pusong laman.
Romans 2:27At hindi ka ba hahatulan ng taong likas na hindi tuli kung tutuparin niya ang kautusan? Sapagkat nasa iyo ang mga kasulatang nasusulat at ang pagtutuli subalit tagalabag kayo ng kautusan!
Romans 6:4Inilibing na tayo kasama niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan. Nangyari ito upang gaya ng pagkabuhay ni Cristo mula sa patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, lalakad din tayo sa panibagong buhay.
Romans 6:14Huwag ninyong hayaan na pagharian kayo ng kasalanan. Sapagkat wala na kayo sa ilalim ng kautusan ngunit sa ilalim ng biyaya.
Romans 6:22Ngunit ngayon na kayo ay pinalaya mula sa kasalanan at alipin na ng Diyos, nasa inyo ang inyong bunga para sa ikababanal. Ang kahihinatnan ay buhay na walang hanggan.
Romans 7:4Kaya, aking mga kapatid, naging patay kayo sa batas sa pamamagitan ng katawan ni Cristo. Ito ay upang maaari kayong makisama sa iba, iyan ay, sa kaniya na binuhay mula sa patay, upang sa gayon maaari tayong magsipagbunga para sa Diyos.