Romans 3:26
sa kaniyang pagtityatiyaga. Nangyari ang lahat ng ito para sa pagpapakita ng kaniyang katuwiran sa panahong ito. Ito ay upang kaniyang mapatunayan na siya ay makatarungan at upang ipakitang pinapawalang-sala niya ang sinuman dahil sa pananampalataya kay Jesus.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 85:10Ang katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan ay nagkatagpo, ang katuwiran at kapayapaan ay hinalikan ang isa't isa.
Isaiah 45:21Magsilapit at ipahayag ito sa akin, magdala ng katibayan! Hayaan silang magsisabwatan. Sino ang nagpakita nito mula nang unang panahon? Sinong nagpahayag nito? Hindi ba ako, na si Yahweh? At walang ibang Diyos maliban sa akin, ang makatarungang Diyos at ang Tagapagligtas; walang iba maliban sa akin.
Zephaniah 3:15Inalis ni Yahweh ang iyong kaparusahan, pinalayas niya ang iyong mga kaaway! Si Yahweh ang hari ninyong mga taga-Israel. Hindi na kayo muling matatakot sa kasamaan!
Acts 13:38Kaya dapat ninyo itong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ng taong ito ay naipahahayag sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan.
Romans 4:5Ngunit sa kaniya na hindi gumagawa na sa halip ay sumasampalataya sa kaniya na nagpapawalang-sala sa mga masasama, maibibilang na katuwiran ang kaniyang pananampalataya.
Galatians 3:8Noon pa man ay nakita na ng kasulatan na ipapawalang-sala ng Diyos ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang ebangelyo noon pa man ay ipinahayag na kay Abraham: “Dahil sa iyo ang lahat ng bansa ay pagpapalain.”