Romans 8:37
Sa lahat ng bagay na ito, higit pa tayo sa mga manlulupig sa pamamagitan ng nagmamahal sa atin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Nay, in all these things we are more than conquerors through him that loved us.
In Context
Cross References
2 Chronicles 20:25Nang lumapit si Jehoshafat at ang kaniyang mga tao upang mangsamsam sa kanila, nakita nila ang napakaraming kayamanan at mahahalagang hiyas na kanilang sinamsam para sa kanilang mga sarili, higit pa sa kaya nilang buhatin. Umabot sila ng tatlong araw upang makuha ang mga nasamsam, napakarami nito.
John 16:33Sinabi ko na sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Sa mundo, kayo ay mayroong mga kabalisahan, subalit lakasan ninyo ang inyong loob; napagtagumpayan ko na ang mundo.
1 Corinthians 15:57Ngunit salamat sa Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!
2 Corinthians 12:9At sinabi niya sa akin, “Ang aking biyaya ay sapat sa iyo, sapagkat ang kapangyarihan ay nagiging ganap sa kahinaan.” Kung kaya mas mabuti pang ipagmayabang ko ang tungkol sa aking kahinaan, upang ang kapangyarihan ni Cristo ay manahan sa akin.
Galatians 2:20Naipako na ako sa krus kasama ni Cristo. Hindi na ako ang nabubuhay, ngunit si Cristo na ang nabubuhay sa akin, at ang buhay ngayon na aking ikinabubuhay sa laman, ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos, na nagmamahal sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin.
Ephesians 5:25Mga asawang lalaki ibigin ninyo ang inyong mga asawa katulad din ng pagmamahal ni Cristo sa Iglesia at ibinigay ang kaniyang sarili sa kanya.