Romans 9:14
Kung gayon, ano ang sasabihin natin? Mayroon bang kawalan ng katarungan sa Diyos? Huwag nawang mangyari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
What shall we say then? Is there unrighteousness with God? God forbid.
In Context
13Tulad ng nasusulat: “Inibig ko si Jacob, ngunit kinamuhian ko si Isau.”
Cross References
Genesis 18:25Malayong gawin mo ang mga bagay na ito, na patayin ang mga matuwid kasama ang makasalanan, at ituring ang mga matuwid gaya ng mga makasalanan. Malayong gawin mo ito! Hindi ba gagawin ng Hukom ng buong mundo kung ano ang makatarungan?”
2 Chronicles 19:7At ngayon, hayaan ninyong ang takot kay Yahweh ang sumainyo. Maging maingat kapag kayo ay hahatol, sapagkat walang kawalan ng katarungan kay Yahweh na ating Diyos, ni walang pinapanigan o pagtanggap ng suhol.”
Job 34:10Kaya makinig kayo sa akin, kayong mga matatalino: malayong gawin ng Diyos na gumawa ng kasamaan; malayong gawin ng Makapangyarihan na magkasala.
Job 35:2Sa tingin mo wala kang sala? Iniisip mo ba na, “Mas matuwid ako kaysa sa Diyos?”
Psalms 145:17Si Yahweh ay matuwid sa lahat ng kaniyang kaparaanan at mapagbigay-loob sa lahat ng kaniyang ginagawa.
Romans 2:5Ngunit ayon sa lawak ng iyong katigasan at iyong pusong walang pagsisisi ay nag-iimbak ka para sa iyong sarili ng poot sa araw ng poot, iyon ay, ang araw ng paghahayag ng matuwid na paghatol ng Diyos.