Romans 9:21
Wala bang karapatan sa putik ang magpapalayok, upang gawin sa iisang tumpok ng putik ang isang sisidlan para sa natatanging paggagamitan, at ang isa pang sisidlan para sa pangaraw-araw na paggagamitan?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 64:8Gayun pa man, Yahweh, ikaw ang aming ama, kami ang putik. Ikaw ang nagbigay hugis sa amin, at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay.
Jeremiah 22:28Ito ba ay hamak at basag na sisidlan? Ito bang lalaking si Jehoiakin ay isang palayok na walang magkakagusto? Bakit kailangan siyang itapon palabas at ang kaniyang mga kaapu-apuhan, at ibuhos sila sa lupaing hindi nila alam?
Acts 9:15Ngunit sinabi ng Panginoon sa kaniya,” Pumunta, ka sapagkat siya ay sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa mga Hentil at sa mga hari at sa lahat ng anak ng Israel;
Romans 9:18Kaya nga, may awa ang Diyos sa sinumang nais niyang kaawaan, at pinapatigas niya ang kalooban ng sinumang naisin niya.
2 Timothy 2:20Sa mayamang tahanan, hindi lamang lalagyang yari sa ginto at pilak ang naroon. May mga lalagyan ding yari sa kahoy at putik. Ang ilan sa mga ito ay ginagamit sa marangal ngunit ang ilan ay sa hindi marangal.