Exodus 4:22
Kailangan mong sabihin kay Paraon, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: ang Israel ay aking anak, ang aking panganay,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And thou shalt say unto Pharaoh, Thus saith the LORD, Israel is my son, even my firstborn:
In Context
Cross References
Exodus 19:5Ngayon pagkatapos, kung susundin at pakikinggan ninyo ang aking tinig at iingatan ang aking kasunduan, kung gayon, magiging katangi-tanging pag-aari kita mula sa lahat ng mga tao, dahil ang buong daigdig ay akin.
Deuteronomy 32:6Gagantimpalaan ba ninyo si Yahweh sa ganitong paraan, kayong mga hangal at walang damdaming mga tao? Hindi ba siya ang inyong ama, ang nag-iisang lumikha sa inyo? Na siyang lumikha sa inyo?
Isaiah 64:8Gayun pa man, Yahweh, ikaw ang aming ama, kami ang putik. Ikaw ang nagbigay hugis sa amin, at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay.
Jeremiah 31:9Darating sila na umiiyak, pangungunahan ko sila habang sila ay nagsusumamo. Paglalakbayin ko sila sa mga batis ng tubig sa isang tuwid na daan. Hindi sila madadapa dito, sapagkat ako ang magiging isang ama ng Israel at ang Efraim ang magiging una kong anak.”
Malachi 1:6“Pinararangalan ng isang anak ang kaniyang ama at pinararangalan ng isang lingkod ang kaniyang panginoon. At kung isa nga akong Ama, nasaan ang aking karangalan? At kung isa akong panginoon, nasaan ang paggalang para sa akin? Nagsasalita sa inyo si Yahweh ng mga hukbo, mga paring humamak sa aking pangalan. Ngunit sinabi ninyo, 'Paano namin hinamak ang iyong pangalan?'
2 Corinthians 6:18Ako ay magiging Ama sa inyo, at kayo ay magiging aking mga anak na lalaki at babae,” sabi ng Panginoong Makapangyarihan.