Ruth 2:10
Pagkatapos yumuko siya sa harap ni Boaz, na nakasayad ang ulo sa lupa. Sinabi niya sa kaniya, “Bakit ako nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, dapat ka bang magmalasakit sa akin, isang dayuhan?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 18:2Tumingala siya at naroon, nakita niya ang tatlong lalaki na nakatayo sa harap niya. Nang makita sila ni Abraham, tumakbo siya mula sa pintuan ng tolda, para salubungin sila at yumukod siya sa lupa.
Ruth 2:2Sinabi ni Ruth, na Moabita, kay Naomi, “Ngayon hayaan mo akong umalis at mamulot ng mga uhay ng natitirang butil sa mga bukid. Susunod ako sa kahit kaninong mga mata ako makatagpo ng pabor.” Kaya sinabi ni Naomi sa kaniya, “Pumunta ka, aking anak.”
Ruth 2:19Sinabi ng kaniyang biyenan sa kaniya, “Saan ka namulot ngayong araw? Saan ka pumunta para magtrabaho? Pagpalain nawa ang lalaking tumulong sa iyo.” Pagkatapos sinabi ni Ruth sa kaniyang biyenan ang tungkol sa lalaking nagmamay-ari ng bukid kung saan siya nagtrabaho. Sinabi niya,” Ang pangalan ng lalaking nagmamay-ari ng bukid kung saan ako nagtrabaho ngayon ay Boaz.”
2 Samuel 7:18Pagkatapos pumasok at umupo si haring David sa harapan ni Yahweh; sinabi niya, “Sino ako, Yahweh O'Diyos, at sino ang aking pamilya na dinala mo sa puntong ito?
2 Samuel 19:28Dahil ang lahat ng sambahayan ng aking ama ay mga patay na tao sa harapan ng aking panginoong hari, pero ginawa mo ang iyong lingkod kasama mong kumakain sa iyong mesa. Anong karapatan meron ako para umiyak pa rin ako sa hari?”
Matthew 15:22Masdan ito, may isang Cananeang babae ang lumabas galing sa rehiyon na iyon. Sumigaw siya at sinabing, “Kahabangan mo ako, Panginoon, anak ni David; ang aking anak na babae ay lubhang pinapahirapan ng isang demonyo.