Ruth 2:19
Sinabi ng kaniyang biyenan sa kaniya, “Saan ka namulot ngayong araw? Saan ka pumunta para magtrabaho? Pagpalain nawa ang lalaking tumulong sa iyo.” Pagkatapos sinabi ni Ruth sa kaniyang biyenan ang tungkol sa lalaking nagmamay-ari ng bukid kung saan siya nagtrabaho. Sinabi niya,” Ang pangalan ng lalaking nagmamay-ari ng bukid kung saan ako nagtrabaho ngayon ay Boaz.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Ruth 2:10Pagkatapos yumuko siya sa harap ni Boaz, na nakasayad ang ulo sa lupa. Sinabi niya sa kaniya, “Bakit ako nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, dapat ka bang magmalasakit sa akin, isang dayuhan?”
Psalms 41:1Mapalad siya na may malasakit para sa mga mahihina; sa araw ng kaguluhan, Si Yahweh ang magliligtas sa kaniya.
2 Corinthians 9:13Dahil sa nasubok na kayo at napatunayan ng gawaing ito, luluwalhatiin rin ninyo ang Diyos sa pagsunod sa inyong pagpapahayag sa ebanghelyo ni Cristo. Luluwalhatiin rin ninyo ang Diyos sa kasaganaan ng inyong mayamang handog sa kanila at sa bawat isa.