Ruth 3:7
Nang si Boaz ay makakain at makainom at ang kaniyang puso ay masigla, pumunta siya para humiga sa dulo ng tumpok ng butil. Pagkatapos siya ay dahan-dahang lumapit, inalis ang takip ng kaniyang mga paa, at nahiga.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Judges 16:25Nang nagdiriwang sila, sinabi nila, “Ipatawag si Samson, na maaari niya tayong patawanin.” Tinawag nila si Samson mula sa kulungan at pinatawa niya sila. Pinatayo nila siya sa gitna ng mga haligi.
Judges 19:9Nang ang Levita at ang kaniyang isa pang asawa at ang kaniyang tagapaglingkod ay bumangon para umalis, ang kaniyang biyenan, ang ama ng babae ay sinabi sa kaniya, “Tingnan, malapit ng gumabi ngayon. Pakiusap manatili kayo ng isa pang gabi, at magpakasaya. Maaari kang gumising nang maaaga bukas at umuwi.”
2 Samuel 13:28Inutusan ni Absalom ang kaniyang mga lingkod na nagsasabing, “Makinig nang mabuti. Kapag nagsimula ng malasing si Amnon sa alak at kapag sinabi ko sa inyo na, 'Salakayin si Amnon,' patayin siya. Huwag matakot. Hindi ba't inutusan ko kayo? Maging magiting at matapang.”
Esther 1:10Sa ika-pitong araw, nang ang puso ng hari ay nasisiyahan dahil sa alak, sinabihan niya sina Memuhan, Biztha, Harbona, Bigtha, Abagtha, Zethar at Carcas (ang pitong opisyal na naglilingkod sa harap niya),
Ecclesiastes 2:24Walang mabuti sa isang tao maliban lamang sa kumain at uminom at masiyahan sa kung ano ang mabuti sa kaniyang ginagawa. Nakita ko na ang katotohanang ito ay nagmumula sa kamay ng Diyos.
Ecclesiastes 8:15Kaya ipinayo ko ang kasayahan, dahil ang isang tao ay walang mas mabuting gawin sa ilalim ng araw maliban sa kumain at uminom at maging masaya. Itong kasiyahan ang makakasama niya sa kaniyang gawain sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay na ibinigay ng Diyos sa kaniya sa ilalim ng araw.