Zacarias 1:19
Nagsalita ako sa anghel na nakipag-usap sa akin, “Ano ang mga ito?” Sinagot niya ako, “Ito ang mga sungay na nagpakalat sa Juda, Israel at Jerusalem.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
18Pagkatapos, tumingala ako at nakakita ng apat na sungay!
20Pagkatapos, ipinakita sa akin ni Yahweh ang apat na panday.
Cross References
Ezra 4:4Kaya pinahina ng mga tao sa lupain ang mga kamay ng mga taga-Judea; tinakot nila ang mga taga-Judea sa pagtatayo.
Ezra 5:3At dumating sina Tatenai na gobernador ng Lalawigan sa ibayo ng Ilog, Setar Bozenai, at ang kanilang mga kasamahan at sinabi sa kanila, “Sino ang nag-utos na itayo ninyo ang tahanang ito at ganap na tapusin ang mga pader na ito?”
Daniel 12:7Narinig ko ang lalaking nakasuot ng telang lino na nasa ibabaw ng tubig—itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at kaliwang kamay sa langit at nangako sa nabubuhay magpakailanman na mangyayari ito sa isang panahon, mga panahon at kalahati, ito ay tatlo at kalahating taon. Kapag natapos ang pagsira sa kapangyarihan ng mga banal na tao, matatapos ang lahat ng mga bagay na ito.
Habakkuk 3:14Tinusok mo ang ulo ng kaniyang mga mandirigma sa pamamagitan ng kaniyang sariling mga palaso yamang pumarito sila gaya ng isang bagyo upang ikalat kami, ang kanilang kasiyahan ay gaya ng isang taong sinasakmal ang mahihirap sa isang taguan.
Zechariah 1:21Sinabi ko, “Ano ang gagawin ng mga taong ito?” Sumagot siya at sinabi, “Ito ang mga sungay na nagpakalat sa Juda upang walang sinuman ang makapag-angat ng kaniyang ulo. Ngunit dumarating ang mga taong ito upang palayasin sila, upang ibagsak ang mga sungay ng mga bansang nag-angat ng anumang sungay laban sa lupain ng Juda upang ikalat siya.
Zechariah 4:11Pagkatapos, tinanong ko ang anghel. “Ano itong dalawang puno ng olibo na nakatayo sa kaliwa at sa kanan ng patungan ng lampara?”