Zacarias 1:6
Ngunit ang aking mga salita at mga kautausan na iniutos ko sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi ba nito naabot ang inyong mga ama? Kaya nagsisi sila at sinabi, “Gaya ng binalak gawin sa atin ni Yahweh ng mga hukbo dahil sa ating mga salita at gawain, kaya niya ginawa sa atin.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
5“Nasaan ang inyong mga ama? At ang mga propeta, naririto ba sila magpakailanman?
Cross References
Numbers 23:19Hindi isang tao ang Diyos, na kailangan niyang magsinungaling, o isang tao, na kailangang magbago ang kaniyang isip. Nangako ba siya ng anumang bagay na hindi ito ginagawa? Nagsabi ba siyang gagawin niya ang isang bagay na hindi niya ito tinutupad?
Numbers 33:56At mangyayari na kung ano ang binabalak ko ngayong gawin sa mga taong iyon, gagawin ko rin sa inyo.”'
Deuteronomy 28:20Magpapadala si Yahweh sa inyo ng mga sumpa, pagkalito, at mga pagtutuwid sa lahat ng bagay na gagamitan ninyo ng inyong kamay, hanggang sa kayo ay mawasak, at hanggang sa kayo ay mabilis na mapuksa dahil sa inyong mga masasamang mga gawain kung saan itinakwil ninyo ako.
2 Kings 15:12Ito ang mga salita ni Yahweh na sinabi niya kay Jehu, sinasabing, ''Ang iyong kaapu-apuhan ay mauupo sa trono ng Israel hanggang sa ika-apat na salin lahi.'' At kaya ito ang naganap.
2 Chronicles 36:19Sinunog nila ang tahanan ng Diyos, giniba nila ang pader ng Jerusalem, sinunog ang lahat ng mga palasyo nito, at winasak ang mga magagandang bagay sa loob nito.
Isaiah 3:8Sapagkat wasak na ang Jerusalem, at bumagsak ang Juda, dahil ang mga sinasabi nila at ang mga ginagawa nila ay laban kay Yahweh, pagsuway sa marangal niyang kapangyarihan.