Zacarias 11:7
Kaya ako ang naging pastol ng mga kawan na itinalaga upang katayin, para sa mga nagbebenta ng tupa. Kumuha ako ng dalawang tungkod; ang isang tungkod ay tinawag kong “Kagandahang loob” at ang isa ay tinawag kong “Pagkakaisa.” Sa ganitong paraan ko ipapastol ang mga kawan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 27:32Para sa lahat ng ikapu ng grupo ng mga hayop o ang kawan, anuman ang dumaan sa ilalim ng tungkod ng pastol, dapat ilaan kay Yahweh ang ikasampu.
1 Samuel 17:43Pagkatapos sinabi ng Palestina kay David, “Isa ba akong aso, na pumarito kang may dalang tungkod?” At isinumpa ng Palestina si David sa pamamagitan ng kanyang mga diyos.
Psalms 133:1Masdan niyo, napakabuti at kaaya-aya para sa mga kapatiran na sama-samang manatili ng may pagkakaisa!
Isaiah 40:11Papakainin niya ang kaniyang kawan tulad ng isang pastol, titipunin niya ang mga tupa sa kaniyang bisig, at dadalhin sila ng malapit sa kaniyang puso, at dahan-dahang pangungunahan ang mga babaing tupa na inaalagaan ang kanilang anak.
Jeremiah 5:4Kaya sinabi ko, “Totoong mahihirap lamang ang mga taong ito. Mga hangal sila, sapagkat hindi nila alam ang mga pamamaraan ni Yahweh ni ang mga atas ng kanilang Diyos.
Micah 7:14Patnubayan mo ang iyong mga tao gamit ang iyong tungkod, ang kawan ng iyong mana. Kahit na sila ay namumuhay mag-isa sa kagubatan ng Bundok ng Carmelo, pakainin mo sila sa Basan at Galaad na gaya noong mga unang araw.