Zacarias 11:6
Sapagkat hindi na ako maaawa sa mga naninirahan sa lupain!” —Ito ang pahayag ni Yahweh” Tingnan mo! Ako mismo ang magpapasakamay ng bawat tao sa mga kamay ng kaniyang kapwa at sa mga kamay ng kaniyang hari. Wawasakin nila ang lupain. Hindi ko sasagipin ang Juda mula sa kanilang kamay.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 50:22Ngayon isaalang-alang niyo ito, kayong nakakalimot sa Diyos; dahil kung hindi ay dudurugin ko kayo at walang sinumang darating para tulungan kayo:
Isaiah 9:19Sa pamamagitan ng nag-uumapaw na galit ni Yahweh ng mga hukbo ang lupain ay nasunog at ang mga tao ay tulad ng langis para sa apoy. Walang patatakasin sa kaniyang mga kapatid.
Jeremiah 13:14At pag-aawayin ko ang bawat tao laban sa iba, ang mga ama at mga anak. Hindi ko sila kaaawaan o kahahabagan at hindi ko sila ililigtas mula sa pagkawasak. Ito ang pahayag ni Yahweh.”'
Ezekiel 8:18Kaya kikilos din ako sa kanila, hindi mahahabag ang aking mata sa kanila at hindi ko sila kaaawaan. Kahit tatawag sila sa aking mga tainga na may isang malakas na tinig, hindi ko sila diringgin!”
Daniel 9:26Pagkatapos ng pito na tig-aanimnapu't dalawang taon, ang isang hinirang ay malilipol at mawawalan. Wawasakin ng hukbo ng isang parating na pinuno ang lungsod at ang banal na lugar. Darating ang katapusan nito sa pamamagitan ng baha at magkakaroon ng digmaan hanggang sa huli. Ang pagkawasak ay itinakda na.
Hosea 2:10Pagkatapos, huhubaran ko siya sa harapan ng kaniyang mga mangingibig, at walang magliligtas sa kaniya mula sa aking kamay.