Zacarias 12:3
Mangyayari ito sa panahong iyon na gagawin kong mabigat na bato ang Jerusalem para sa lahat ng mga tao. Ang sinumang sumubok na magbuhat sa batong iyon ay labis niyang masasaktan ang kaniyang sarili, at magsasama-sama laban sa lungsod na iyon ang lahat ng mga bansa sa mundo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 60:12Sa katunayan, ang mga bansa at kaharian na hindi maglilingkod sa inyo ay maglalaho; ang mga bansang iyon ay ganap na mawawasak.
Ezekiel 38:1Ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
Daniel 2:44Sa mga panahon ng mga haring iyon, magtatayo ang Diyos ng langit ng kaharian na hindi kailanman mawawasak, ni masasakop ng ibang mga tao. Dudurugin nito ang ibang mga kaharian nang pira-piraso at maglalagay ng wakas sa kanilang lahat at mananatili ito magpakailanman.
Obadiah 1:18Magiging isang apoy ang sambahayan ni Jacob, at isang liyab ang sambahayan ni Jose, at ang magiging pinaggapasan ang sambahayan ni Esau, at susunugin nila sila, at sila ay tutupukin. Walang makaliligtas sa sambahayan ni Esau, sapagkat sinabi ito ni Yahweh.
Micah 4:13Sinabi ni Yahweh, “Tumindig ka at gumiik, anak na babae ng Zion, sapagkat gagawin kong bakal ang iyong sungay at gagawin kong tanso ang iyong mga kuko. Dudurugin mo ang maraming tao. Itatalaga ko ang kanilang mga kayamanan na kinuha sa hindi makatarungang pamamaraan at ang kanilang mga ari-arian sa akin, ako si Yahweh, ang Panginoon ng buong mundo.”
Micah 5:15Paiiralin ko ang paghihiganti sa galit at poot sa mga bansa na hindi nakikinig.