Zacarias 12:4
Ito ang pahayag ni Yahweh”— Sa araw na iyon, hahampasin ko ng malaking pagkatakot ang bawat kabayo at ng pagkabaliw ang bawat mangangabayo. Titingin ako ng may kagandahang-loob sa sambahayan ng Juda at bubulagin ang bawat kabayo ng mga hukbo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 28:28Sasalakayin kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng kalungkutan, ng pagkabulag, at ng pagkalito ng kaisipan.
2 Kings 6:14Kaya nagpadala ang hari ng mga kabayo, mga karwahe at isang malaking hukbo sa Dotan. Dumating sila nang gabi at pinalibutan ang lungsod.
2 Chronicles 6:20Nawa ay maging bukas ang iyong mga mata sa templong ito araw at gabi, sa lugar kung saan sinabi mong paglalagyan mo ng iyong pangalan—upang dinggin ang mga panalangin na idadalangin ng iyong lingkod sa lugar na ito.
2 Chronicles 7:15Ngayon magiging bukas ang aking mga mata at makikinig ang aking mga tainga sa mga panalangin na gagawin sa lugar na ito.
Psalms 76:5Ang mga matatapang ay nanakawan; nakatulog sila. Lahat ng mga mandirigma ay walang nagawa.
Isaiah 37:17Ibaling mo ang inyong tainga, Yahweh, at makinig. Imulat mo ang inyong mga mata, Yahweh, at tingnan mo, at dingin mo ang mga salita ni Senaquerib, na kanyang ipinadala para alipustahin ang Diyos na buhay.